GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya ang isang 42-anyos na magsasaka na limang taong ginawang sex slave ang dalawa niyang anak na babae.

Dinakip nitong Linggo si Jerry Sisnorio ng mga pulis, sa pangunguna ni Senior Insp. Rey Egos, sa kanyang bahay sa Barangay San Jose sa Koronadal City, South Cotabato.

Inisyuhan ni Regional Trial Court Judge Lorenzso Balo ng arrest warrant ang suspek makaraang kasuhan ng rape nitong Oktubre.

Ayon sa mga biktima, edad 15 at 16, siyam na taong gulang pa lang sila nang sinimulan silang abusuhin ng kanilang ama.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Nasa kostudiya na ng City Social Welfare and Development Office ang magkapatid. - Joseph Jubelag