ZAMBOANGA CITY – Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group na umano’y nasa likod ng pambobomba sa isang establisimiyento sa siyudad, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Angelito Casimiro, Zamboanga City Police Office director, ang mga naaresto na sina Marcel Jumadil, 35; at Jumdan Dassan, 45, kapwa residente ng Barangay Malimbaya, Indanan, Sulu; at Al-Shirit Sabdani, 49, ng Tandubas, Tawi-Tawi.

Ang tatlo ang itinuturong responsable sa paghahagis ng improvised explosive device sa Princess Massage Parlor at KTV sa Tomas Claudio Street dakong 8:45 noong Lunes ng gabi.

Ito ang ikatlong insidente ng pagsabog sa siyudad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nobyembre 7 nang sumabog ang dalawang bomba sa lungsod, na ikinasugat ni PO2 Manuel Franklin Ynet ng K9 unit. - Nonoy E. Lacson