Asam ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na makapag-prodyus ng una nitong Pilipinang Grandmaster bilang unang target nito sa pagkakapili bilang isa sa mga priority sports ng Philippine Sports Commission sa pagpasok ng 2015.

Ito ang sinabi ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales matapos na tatlong batang woodpusher ang ngayon ay kandidata at malaki ang tsansa na maging unang babaeng grandmaster ng bansa.

Ang tatlong nakakuha ng kanilang unang Women Grandmaster norm ay sina Women International Master Janelle Mae Frayna (ELO 2167), Jan Jodilyn Fronda (ELO 2121) at si Mikee Charlene Suede (ELO 2069).

“We wanted for 2015 na makapag-debelop ng mas maraming batang chess players and to produce our very first lady WGM,” sabi ni Gonzales. “With the help of PSC, we will organize local and international tournament and also join some tournament abroad for them to get their needed two more norms,” paliwanag pa ni Gonzales.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Nakamit ni Frayna ang kanyang unang WGM norm sa isinagawang Battle of the GMs dito sa bansa habang sina Fronda at Suede ay sa isinagawa naman na Asian Championships sa Macau.

Ang ranking nina Frayna, Fronda at Suede ang pinakamataas naman na naabot ng mga babaeng woodpushers ng bansa matapos ang huling nagkamit ng ranggo na International Master na si Germie Fontanilla.

Puwersado ang NCFP na mag-organisa ng mga lokal at internasyonal na torneo sa bansa at makilahok sa iba’t-ibang torneo sa labas ng bansa matapos naman tanggalin ang sports na Chess sa isasagawa sa susunod na taon na 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5-16, 2015.

“We already had some tournaments lined-up for them in Bangkok, Thailand and in Vietnam. Plus, we will have several local tournaments and then organized international meet dito to give them chance to earn their last two WGM norms,” sabi pa ni Gonzales.

Plano naman ng NCFP na ilahok sa anim na internasyonal na torneo ang buong pambansang koponan habang isasagawa nito ang apat na international na torneo at anim na national championships.