Isasagawa muli ng San Sebastian College-Recoletos Manila ang charity event nito na 5th Stags Run sa pagpasok ng taon sa Rajah Sulayman sa Baywalk, Roxas Boulevard sa asam nitong makakalap ng pondo para sa missionary missions dito at sa labas ng bansa.

Nakatakda sa Enero 25, umaasa si Rev. Fr. Joel Alve, OAR, San Sebastian’s vice president for student welfare at overall chairman ng karera, na ang taunang aktibidad na magsisimula ganap na alas-6 ng umaga na hinati sa 3k, 5k at 10k kategorya, ay malalampasan ang 4,000 runners na sumali noong nakaraang taon.

“We intend to match, if not surpass, the more than 4,000 participants who attended in 2014. This way, we shall be able to sustain the implementation of our pastoral ministry and missions, we also expect that this will be more fun as we are having our very first color run,” sabi ni Alve.

“I’m calling for the participation of the school community, friends and alumni to again make this event a meaningful and successful one,” sabi pa nito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang San Sebastian, na itinutulak ang de-kalidad na Catholic Christian education, ay taunang inoorganisa ang karera upang mahikayat hindi lamang ang mga alumni at komunidad kundi na mga bisitang kalahok para sa malusog na katawan at pagiging kompetitibo habang kasamang tumutulong sa charitable missions sa 2015.

Hangad ng karera ngayon taon na makakalap ng pondo para sa misyon nito sa Africa na makatulong masugpo ang Ebola virus na sanhi ng pagkawala ng maraming buhay.

Tampok din sa Stags Run ang ika-74th Founding anniversary ng eskuwelahan na iseselebra simula Enero 20 hanggang 15 gamit ang hangarin na; “Fruits of Greatness: The Manifestations of Love are the Threshold of Wisdom.”

Tinagurian na “Takbo Para sa Misyon”, unang isinagawa ang karera noong 2011 na nakakuha ng pondo para masuportahan ang missionary works ng Order of Augustinian Recollects (OAR) sa Sierra Leone, Africa at Cascian Island sa Palawan sa pamamagitan ng media evangelization at educational apostolate.

Matapos ito ang isinagawa ang “Takbo Para sa Edu-Misyon”, kung saan nagawa ng institusyon na palawakin ang educational mission at makapagsagawa ng iba’t-ibang outreach program noong 2012.

Ang ikatlo at ikaapat na ay nagtulak sa komunidad at tagasuprota para naman sa “Takbo Para sa Bokasyon” at “Stags Charity Run” na asam na makapagtipon ng pondo para masuportahan ang bokasyon ng mga priestly at religious life sa Order of Augustinian Recollects.