LAUR, Nueva Ecija – Patay ang isang 50-anyos na magsasaka matapos siyang hatawin ng dumbbell sa ulo ng isa pang magsasaka na umano’y namboso sa bahay ng una sa Purok Ipil-Ipil sa Barangay Canantong sa bayang ito noong Sabado ng gabi.

Halos mabasag ang bungo ni Julio “Butch” Ballesteros dahil sa malakas na paghataw ng matigas na bagay ni Alex “Jumong” Basilio, 31, kapwa ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, kinumpronta ni Basilio si Ballesteros dahil sa umano’y pamboboso ng huli sa asawa at anak na dalaga ng biktima hanggang sa magkainitan sila at bumunot ng karit si Ballesteros.

Nakaiwas si Basilio hanggang paluin niya ng homemade dumbbell sa ulo ang biktima.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25