Sa pagtatapos ng taon, mainam na gunitain ang mga ginintuang aral na ating natutuhan sa ating buhay. Maging gabay nawa natin ito sa pagsisimula ng Bagong Taon:

  • Huwag mong sabihin kahit kanino ang iyong mga sikreto; sisirain mo lamang ang iyong sarili. Huwag mo ring sasabihin kahit kanino ang iyong mga problema sapagkat walang pakialam ang ilan sa kanila, at natutuwa naman ang nakararami dahil may mga problema ka.
  • Ang buhay ay parang boxing. Ang pagkatalo ay hindi idineklara kapag bumagsak ka sa lona. Idinedeklarang talo ka kapag ayaw mong bumangon.
  • National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  • Minsan, nagtuturo ng tama ang mga taong mali.
  • Nagiging mahalaga lamang ang isang bagay sa dalawang pagkakataon: (1) Bago mo ito makuha, at (2) Kapag naiwala mo ito.
  • Dalawang bagay ang naghahatid ng kaligayahan at tagumpay sa buhay: (1) Ang paraan ng iyong pangangasiwa kapag walang-wala ka, at (2) Ang paraan kung paano mo tinatrato ang lahat ng bagay na mayroon ka.
  • Isa sa pinakadakilang tagumpay na iyong matatamo mula sa iyong mga kalaban ay ang igalang mo sila.
  • Manatiling nakatingin sa araw at hindi mo makikita ang kahit na anong anino.
  • Habang hindi natin pinatatawad ang mga taong nagkasala sa atin, inookupa nila nang walang renta ang malaking espasyo ng ating isipan.
  • Ang tiwala ay parang sticker. Kapag natanggal ito, maaari pa namang dumikit ngunit HINDI kasing dikit nang una mo itong gamitin. Manatiling matapat sa anumang relasyon.
  • Ang paghahanap ng kaligayahan ang pangunahing source ng kalungkutan.