Bibihisan at pipinturahan na lamang upang muling mapaganda ang 80-taong Rizal Memorial Sports Complex kung hindi maisasabatas ang panukala na isinumite sa Kongreso at kung hindi maipipinalisa ang kasuduan para sa nais mapatayuang lugar ng inaasam na National Training Cente sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na walang magagawa ang ahensiya kundi pinturahan at ibalik sa pinakamaganda nitong kundisyon ang RMSC na itinayo noong taong 1934 kung hindi agad maisasakatuparan ang isang batas na magbibigay dito ng karapatan para itayo ang isang modernong training center.

“Siguro, kailangan na lang natin gamitin ang pondo para pinturahan uli ang Rizal Memorial para magmukhang bago,” sabi ni Garcia, na umaasang sa pagpasok ng Enero 2015 ay agad na maipapasa ng Kongreso ang batas na inakda nina Davao Del Sur Congressman Anthony Del Rosario at Yeng Guiao ng Pampanga.

Umaasa si Garcia na mapabilis ang paggalaw para mapasimulan ang pagtatayo ng moderno at state-of-the-art na national training center dahil sa kakaunting natitirang panahon at minamadali nito ang paghahanda ng pambansang koponan para sa paglahok nito sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5-16.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang Rizal Memorial para sa training at preparation ng mga atleta dahil sobrang dami nang disturbance at distraction,” sabi ni Garcia. “Pero kung hindi agad makukumpleto ang paglipat, we might as well stay in the Rizal Sports Complex at ayusin na lang natin ang mga facilities,” sabi pa ni Garcia.

Isang malaking katanungan pa rin ang inaasam na kasunduan para sa pagrerenta ng ahensiya sa lupain na pag-aari ng gobyerno na malapit sa Clark Airport na hanggang sa kasalukuyan ay walang kalinawan kung papayagan mismo ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Nabatid sa isang mataas na opisyales na hindi maaaring makipag-usap ang Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ng tiyuhin ng pangulo ng bansa na si Jose Cojuangco para sa nasabing lupain dahil isa itong pribado na organisasyon at tanging nasa PSC ang karapatang makipag-negosasyon.

Napag-alaman din mula sa opisyal na tanging isang batas lamang ang posibleng makapagbigay sa PSC ng karapatan para naman maisagawa ang buong proseso para maitayo ang inaasam na makabagong pasilidad at maginhawang kapaligiran para sa pagsasanay ng mga pambansang atleta.