Patuloy na tumataas ang presyo ng gulay sa mga palengke dahil na rin sa malamig na panahon na nararanasan ngayon.

Sa mga pamilihan mula sa Caloocan-Navotas-Malabon at Valenzuela (CAMANAVA), doble ang itinaas ng presyo ng talong, pechay, sibuyas, sayote at repolyo. Ang talong na dating P20 ang kilo ay pumalo sa P40, habang ang pechay na mabibili ng P5 kada-tali ay pumalo sa P10. Ang sibuyas na mabibili ng P10 ang nakabalot sa plastic ay mabibili na P20, samantalang ang sayote at repolyo na ay tumaas ng P15 sa dating 20 kada-kilo.

Ayon sa mga tindera sa mga nasabing lungsod, malamig ang panahon kaya natutuyot ang gulay lalo na ang nanggagaling sa Baguio City.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists