Nabawasan ang bilang ng pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa nakalipas na tatlong buwan pero ang self-rated poverty average ngayong taon ang pinakamataas sa nakaraang walong taon, ayon sa resulta ng huling Social Weather Stations (SWS) survey.
Natuklasan sa nationwide survey na 52 porsiyento, o katumbas ng 11.4 milyong pamilya, ang aminadong mahirap sila. Mas mababa ito ng 55 porsiyento o 12.1 milyong pamilya na nagsabing hikahos sila sa buhay noong Hulyo hanggang Setyembre.
Sa huling survey nitong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, 1,800 katao ang pinapili kung ano ang sitwasyon ng kanilang pamilya: Hindi mahirap, Nasa linya, at Mahirap.
Bumaba nang pitong puntos hanggang 45 porsiyento ang self-rated poverty rate sa Luzon, pero napanatili ito sa Metro Manila sa 43 porsiyento at 65 porsiyento naman sa Visayas. Bahagya naman itong nagbago sa Mindanao sa 60 porsiyento mula sa 61 porsiyento noon.
Natukoy din sa survey ng SWS ang pagkaunti ng mga pamilyang Pinoy na nagsabing mahirap sila, nasa 41 porsiyento o may 9.1 milyong pamilya. Mas mababa ito mula sa 43 porsiyento o 9.3 milyong pamilya sa nakalipas na tatlong buwan. - Ellalyn B. De Vera