Naghahangad na maiangat ang kanilang naging performance sa kanilang insisyal na conference sa liga kung saan tumapos silang pang-sampu makaraang magtala ng 4-8 na panalo-talong baraha, kinuha ng koponan ng NLEX ang serbisyo ng NBA veteran na si Al Thornton bilang import para sa na 2015 PBA Commissioners Cup.

THORNTONMay taas na 6-foot-8, si Thornton ay 14th na overall pick ng Los Angeles Clippers noong 2007 NBA draft.

Naniniwala ang coaching staff ng NLEX sa ilalim ni head coach Boyet Fernandez sampu ng kanilang management na angkop si Thornton sa sistema ng Road Warriors.

Si Thornton na produkto ng Florida State ay isang versatile big man na kayang lumaro ng tatlong posisyon na inaasahang makakapagpalakas sa frontline ng Road Warriors na binubuo ng mga beteranmo na ring sina Asi Taulava at Rico Villanueva.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Miyembro ng 2008 All-NBA Rookie First Team, ang 31-anyos na si Thornton ay may average na 16.8 puntos, 5.2 rebounds, at 1.8 assists sa kanyang ikalawang taon sa Clippers bago siya na –trade sa Washington Wizards at napunta sa Golden State Warriors.

Bago nakuha ng NLEX, huli siyang naglaro sa Guayama Wizards sa Puerto Rico at sa Zhejiang Lions sa Chinese Basketball Association noong 2012.

Nagbalik siya sa Guayama Wizards sa unang bahagi ng 2014 kung saan nakasama pa niya ang magiging import naman ng KIA Motors na si 7-foot-3 Puerto Rican Peter John Ramos.

Samantala, kasama na ng NLEX si Thorton sa kanilang gagawing pagsabak sa 2015 Dubai Invitational Tournament sa United Arab Emirates na bahagi ng kanilang isasagawang buildup para sa second conference.

Nakatakda silang umalis sa darating na Enero 14.