Hindi na matutupad ang pangarap ni Mexican Juan Manuel Marquez na maging five-division world champion dahil malala na ang pinsala ng kanyang mga tuhod kaya malamang na magretiro na lamang siya sa professional boxing.

Sa panayam ng ESPN Deportes, inamin ni Marquez na gusto niyang lumaban sa huling bahagi ng taong 2014 pero laging sumasakit ang kanyang mga tuhod na unang napinsala bago ang kanyang laban kay dating world light welterweight champion Mike Alvarado na tinalo niya sa puntos.

“It was a good year. We had one fight but it was good. I wanted to do another fight but circumstances regarding my training, regarding [the injury to my] knee that I suffered before the fight with Mike Alvarado,” diin ni Marquez.

Dahil dito, ipinahiwatig ni Marquez na mapupuwersa siyang magretiro sa boksing taglay ang pagwawagi kay WBO welterweight titlist Manny Pacquiao na pinatulog niya sa 6th round noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada na nabahiran ng tsismis na gumamit siya ng performance enhancing drugs para lamang manalo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“But it was a good year, people went to the fight at the Inglewood Forum where I started my career in the U.S. and I feel good, satisfied, I do not want to retire, but if the body does not allow me I will be forced into retirement. I know the fans want to see me [in the ring], but if the physical does not answer me, I’ll have to leave things alone.