Ni ROBERT REQUINTINA

Dalawang araw bago ang Bagong Taon ay nagbigay ng tips ang isang feng shui master upang maging masuwerte sa 2015.

“Isa sa mga dapat nating gawin ay linisin ang ating kapaligiran upang maka-attract ng positive vibes. Itapon ang mga lumang papel at bagay sa bahay na mga pasikip lamang. Gawin natin ito bago pumasok ang Bagong Taon,” pahayag ni Master Hanz Cuz, pinakabatang fung shui master sa Asya.

Aniya, ang timog ang pinakamasuwerte sa 2015.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Palakasin ang sektor na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng water fountain, telepono, tax machine, printer, television o malakas na tugtugin. Gigisingin nito ang kayamanan at masuwerteng bituin,” dagdag ni Hanz.

Sa pagdiriwang ng Bagong Taon, dapat na magsuot ng mga bagong damit, sapatos at underwear upang magbigay-daan sa bagong oportunidad.

Dapat ding matutong magpatawad, na isang mahalagang instrumento upang makaakit ng positibong pananaw sa Bagong Taon.

Berde ang masuwerteng kulay sa Year of the Wooden Sheep, na magsisimula sa Pebrero 19, 2015, ayon kay Master Hanz.

“Kung gusto mong maka-close ng isang importanteng kasunduan, magsuot o magdala ng maraming berdeng bagay tulad ng bag o wallet. Magsuot din ng berdeng underwear para maging masuwerte,” aniya.

Ang iba pang masuwerteng kulay sa 2015 ay dilaw, pink, pula at orange.

“Magpapalakas ng impluwensiya at suwerte ang dilaw,” pahayag ng feng shui expert.

Upang makaakit ng suwerte, magsuot o magdala lagi ng tunay na ginto. Makatutulong din, aniya, ang kristal. Sinabi pa ni Hanz na kabilang sa mga masuwerteng negosyo sa 2015 ang real estate, pagkain at export/import industry.