LOS ANGELES (AP) – Kinuha ng Los Angeles Lakers ang sentro na si Tarik Black mula waivers ng Houston Rockets kahapon, at na-waive naman ang injured guard na si Xavier Henry upang magkaroon ng espasyo sa kanilang roster.

Umaasa si Lakers coach Byron Scott na ang tough-nosed, cerebral rookie ay agad na makakapagbigay ng kontribusyon sa Lakers, na kinakitaan ng paghihirap ng mga big men ngayong season.

‘’The one thing I don’t think we have that we would love to have is more athleticism (and) toughness,’’ ani Scott bago ang laro ng Lakers kontra Phoenix kahapon. ‘’From what I’ve heard, he’s very active on the defensive end, great communicator on the defensive end, and those are two things that we need from our bigs. We’ll see how he translates that from Houston to here.’’

Sinabi ni Scott na nakatakdang dumating si Black sa Los Angeles ngayong araw para sa physical at umaasang makakasama ng koponan para sa laro laban sa Denver sa Miyerkules.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang 6-foot-11 na si Black ay nag-umpisa sa 12 ng kanyang 25 laro ngayong season para sa Houston bilang kahalili ng na-injure na si Dwight Howard. Si Black ay nag-average ng 4.2 puntos at 5.1 rebounds kada laro habang may 54.2 shooting percentage naman para sa Rockets na napilitang i-waive siya noong Biyernes sa pagdating ni Josh Smith.

Ginugol ni Black ang kanyang huling college season sa Kansas matapos maglaro ng tatlong season sa Memphis na kanyang hometown. Siya ay undrafted, ngunit nabigyan ng roster spot matapos ang kanyang magandang pagpapakita sa summer league at training camp.

Matatandaang napunit ni Henry ang kanyang kaliwang Achilles tendon sa ensayo noong Nobyembre 24 upang tapusin ang kanyang ikalawang season sa Los Angeles matapos lamang ang 86 minuto at siyam na laro.