Kris-Herbert-copy

IISA ang tanong ng netizens kung anong ibig sabihin ng pagdalaw ni Quezon City Mayor Herbert Baustista sa bahay ni Kris Aquino noong Linggo, Disyembre 28 habang isinasagawa ang pa-thanksgiving mass ng Queen of All Media.

Nagulat ang TV host/actress nang banggitin sa kanya na nasa labas ng bahay niya si Bistek at kaagad naman niya itong nilabas at tinanong kung ano ang pakay at sinabing gusto lang bumati sa tagumpay ng pelikulang Feng Shui 2 ngayong 2014 Metro Manila Film Festival kasama na rin si Bimby na kinamayan pa ni Mayor Herbert para sa Praybeyt Benjamin.

Wala pang limang minutong nagtagal si Bistek sa bahay nina Kris at hindi na nga siya pumasok sa loob ng bahay kung saan naghanda rin ng hapunan ang TV host/actress.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Tama ba ang narinig naming sabi ni Kris kay Herbert, “Chos ka na naman.”

Anyway, maraming netizens ang worried na baka masaktan na naman si Kris at may mga nagkokomento pa na may ibang pakay si Bistek kay Tetay, hindi lang tumuloy sa loob ng bahay nang makita niyang marami palang tao at may TV camera na nakatutok.

Kaya kunwari na lang sinabing babati lang siya ng ‘congratulations’ at kitang-kitang nagmamadaling umalis na.

Oo nga, puwede namang mag-text o tumawag lang si Herbert kay Kris para bumati, di ba, Bossing DMB.

(Kailangan nating dalawin si Kris para sa mahaba-habang interbyuhan, Regs. --DMB)

Samantala, tuloy ang dagsa ng tao sa Feng Shui.

Last Sunday, kumita ang Feng Shui sa Metro Manila ng P9.9M at P10.4M naman sa provincial theaters. Sa loob ng apat na araw at P103.5M na ang kabuuang kinikita ng pelikula at nananatili ring no. 2 sa box office.

Ang Praybeyt Benjamin pa rin ang No. 1 sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa 40th Metro Manila Film Festival.