Sa parehong araw noong nakaraang linggo, dalawang katanggap-tanggap na balita ang sumambulat sa mga pahayagan. Isa ang tungkol sa finding ng Social Weather Stations (SWS) na 93 porsiyento ng mga Pilipino ang humaharap sa 2015 nang may pag-asa, na ay 6 porsiyento lang ang nangangamba rito. Ang isa pang balita ay tungkol sa pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa ika-46 anibersaryo nito namaari nang magsimula sa Enero ang negosasyon upang tapusing ang himagsikang komunista.

Nakumpirma ng SWS report ang naunang survey na isinagawa noong Nobyembre ng Pulse Asia na nagsabing may 88 porsiento ng mga respondent nito ang umaasa sa bagong taon, laban sa isang porsiyento ng walang pag-asa at 11 porsiyento ang hindi makapagpasya.

Natural na sa mga Pilipino ang umaasa kapag sumasapit ang bagong taon, ngunit sa pagkakataong ito ang kaninlang pag-asa ay pinatitibay lalo ng mga ulat ng aktuwal na pag-uusap na umuusad patungo sa isang kasunduan na maaaring wakasan ang pinakamatanda nang himagsikan sa buong daigdig. Ang CPP founder Jose Ma. Sison, na ipinatapon sa Holland, sa isang video message sa Facebook ang nagbunyag na may mga pag-uusap nang nagaganap at maaari nang simulan ang formal na pag-uusap pagkatapos ng pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.

May isang peace agreement ang nalagdaan na ng Moro Islamic LiberationFront (MILF), ang pangunahing Islamic organization sa likod ng armadong hidwaan sa Mindanao. Isang batas na magpapatupad ng kasunduang iyon, ang Bangsamoro Basic Law, ay nasa Kongreso na at naghihintay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kailangan ngayong ipaling ng gobyerno ang atensiyon nito sa iba pang pangunahing rebeldeng grupo sa bansa – ang New People’s Army, ang armadong sangay ng CPP. Matagal nang nakikipaglaban ang NPA upang pabagsakin ang pamahalaan simula noong pang itatag ito noong 1969, mahigit apat na dekada na ang nararaan. Sinasabing taglay nito ang 4,000 armadong mandirigma na aktibo sa 69 sa 81 probinsiya ng bansa.

Magiging pinakamalaking tagumpay ito ng administrasyong Aquino kung, bago bumaba sa kapangyarihan si Pangulong Aquino sa 2016, malulutas ng gobyerno ang lahat ng mga isyu sa parehong Moro at Communist insurgents sa bansa.

Nakikisa tayo sa napakalaking mayorya ng ating mga kababayan na tanawin ang bagong taon na may pag-asa. Ang dakilang pag-asa ay para sa mas maginhawang pamumuhay para sa lahat, lalo na sa maralita, na naghahangad na makabahagi sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa. At ang malaking bahagi ng dakilang pag-asang iyon ay ang kapayapaan para sa buong bansa upang maging posible ang lahat ng progresong iyon.