James-Nadine-copy-468x500

MAS makulay at mas magniningning ang gagawing pasabog ng Sulong Manila 2015 Countdown sa bisperas ng Bagong Taon, December 31, sa pagdalo ng ilan sa mga sikat na bituin ng bansa, sa pangunguna ng hottest teen sensations na sina James Reid at Nadine Lustre.

Dadalo rin sa malaking okasyon si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, na siyang pipindot sa plunger na sisimbolo sa pagbubukas ng pinakauna at pinakaengradeng 3-D video mapping pyro/laser lights show na gaganapin sa pagitan ng Manila Diamond Hotel at Ramon Magsaysay Building sa Roxas Boulevard.

Ang Sulong Manila 2015 Countdown ay kasing bongga ng mga sikat na countdown sa mundo gaya ng sa Times Square, New York at The Eye sa London.

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

Ito ay proyekto ng Mare Foundation, na pinangungunahan ni dating Senador Loi Ejercito.

Bukod kina James at Nadine, kasama rin sa listahan ng mga celeb na makikisaya sa Sulong Manila 2015 Countdown sina Julian Estrada, Giselle Sanchez, Arnell Ignacio, Rivermaya, Kenyo, DJ Tom Taus, DJ Gavin Skewes, DJ Dan Torres at ang DAMAS Children’s Choir.

Ang Sulong Manila 2015 ay hatid sa mga taga-Maynila ng ICTSI, Manila North Harbor, Smart at Emperador Light.