JUNEMAR-pic-copy-446x500

Magmula nang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon, walang duda base sa kanyang ipinakitang laro na si Junemar Fajardo ng San Miguel Beer ang maituturing na pinakadominanteng slotman ng PBA sa ngayon.

Sa kabila ng ginagawang double-teaming na depensa sa kanya ng mga kalaban na may dagdag pang matinding depensang pisikal, hindi pa rin magawang mapigil ang 6-foot-10 na si Fajardo partikular sa nakaraang semifinals series nila ng Talk ‘N Text sa ginaganap na 2015 PBA Philippine Cup.

Gamit ang kanyang utak at taktika sa looob ng shaded lane, nakukuha pa ring maka-iskor ng Cebuano center laban sa kanyang defenders.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa Game Three ng kanilang best-of-7 semifinals series ng Tropang Texters, nagtala si Fajardo ng 18 puntos at 9 na rebounds at nakakuha pa ng sapat na suporta mula kina Arwind Santos at Alex Cabagnot sa endgame, namuno sila sa pagf-ungos sa Tropanmg Texters, 96-95, upang makamit ang 3-0 bentahe sa serye noong Disyembre 23.

Kasunod nito, pagkalipas ng tatlong araw, nagposte si Fajardo ng 28 puntos upang mapantayan ang kanyang ikalawang career-best at 16 na rebounds bukod pa sa 5 assists at 2 blocks upang pangunahan ang 100-87 na paggapi nila sa Talk ‘N Text at tuluyang mawalis ang kanilang serye.

Gaya ng kanyang mga kakampi, masaya si Fajardo na muling makabalik ng finals.

Ngunit kaparis din ng kanyang teammates mas nakatuon ang kanyang pansin sa pagbibigay ng titulo ng Philippine Cup sa Beermen na huli nilang natikman noong 2001 All-Filipino Cup, coach pa noon ng team si Tropang Texters mentor Jong Uichico.

“Basta taasan lang namin ‘yung intensity, saka gagalingan pa namin kasi walang madali. Lahat mahirap,” ayon kay Fajardo tungkol sa kanilang misyon na makamit ang kampeonato.

Nagtala si Fajardo ng average na 23 puntos, 12.5 rebounds at 3.5 assists sa kanilang huling dalawang laro sa semis upang mapili bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week mula nooing Disyembre 23 hanggang 28, ang kanyang ikalawa ngayong conference.

Tinalo ng 25-anyos na sentro na tubong Pinamungahan, Cebu para sa lingguhang citation sina Cyrus Baguio at Calvin Abueva ng Alaska.

Ang kanilang naitalang series sweep ang una para sa San Miguel franchise, at ang kanilang ika-34 na Finals appearance, ang pinakamaraming bilang sa kasaysayan ng liga.

Tatargetin naman nila ang ika-20 nilang titulo kontra sa magwawagi sa pagitan ng Rain or Shine at Alaska.