LIPA CITY, Batangas – Sinamantala ng mga kawatan ang Christmas break ng mga estudyante at nilimas ang laman ng computer room ng isang eskuwelahan sa Lipa City, Batangas.

Tinangay ng mga hindi nakilalang magnanakaw ang anim na computer monitor at projector sa loob ng San Lucas Elementary School sa Barangay San Lucas.

Ayon sa report mula kay Supt Jacinto Malinao, hepe ng pulisya, bandang 4:00 ng hapon nitong Disyembre 28 nang matuklasan ang pagnanakaw, na umabot sa P100,000 halaga ng gamit ang natangay mula sa eskuwelahan.
National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol