DALLAS (AP) – Hindi muling nakapaglaro si Kevin Durant para sa Oklahoma City dahil sa sprained right ankle, at ang sentro ng Dallas na si Tyson Chandler ay isang late scratch dahil sa back spasms.

Si Durant, na na-sideline sa unang 17 laro ng season dahil sa broken right foot, ay lumiban sa kanyang ikaanim na sunod na laro dahil sa pinakahuli niyang injury.

Sinabi naman ni Mavericks coach Rick Carlisle na hindi gaanong seryoso kundisyon ni Chandler. Matapos maglaro kontra sa Thunder kahapon, magbabalik ang Dallas sa sariling bakuran at haharapin ang Washinton bukas.

Ang 32-anyos na si Chandler ay naging starter sa lahat ng 31 laro mula nang magbalik sa Mavericks makaraan ang isang offseason trade sa New York. Siya ay ikatlo sa liga sa kanyang 11.9 rebounds kada laro, at ikatlo rin sa shooting sa kanyang 68 porsiyento.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente