PUMANAW na ang beteranong aktor na si David Ryall, na nakilala ng kanyang mga tagahanga bilang Elphias Doge sa Harry Potter noong Pasko, Disyembre 25, sa edad na 79.

PHOTO-David-Ryall-copy-200x300Ibinahagi ng Sherlock writer at aktor na si Mark Gatiss ang balita sa Twitter noong Sabado. At ito rin ay kinumpirma ng kanyang anak na si Charlie Ryall sa Twitter.

Ibinuhos ng aktor ang limang dekada ng kanyang karera sa pelikula, telebisyon at teatro. Ang kanyang mga pelikula ay kinabibilangan ng City of Ember, Around the World in 80 Days at The Elephant Man.

Pinalitan ni David si Peter Cartwright sa papel bilang Elphias Doge sa Harry Potter and the Deathly Hallows Part 1 noong 2010. Ang kanyang karakter ay isang malapit na kaibigan ni Albus Dumbledore at miyembro ng Ministry of Magic jurist at Order of the Phoenix.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kamakailan lamang, siya ay napanood bilang Frank—isang lolo na may dementia—sa BBC comedy na Outnumbered.

Gumanap din siya bilang pinakamatandang lalaki sa The Village at bilang Mr. Hall sa The Singing Detective sa panunulat ni Dennis Potter. Lumabas din siya sa adaptation ng House of Cards ni Andrew Davies (hindi ang orihinal na Netflix), sa British sitcom na Goodnight Sweetheart at sa Midsomer Murders.

Ngunit bago siya makilala sa mundo sa telebisyon, ay una siyang nagsimula sa teatro.

Isa siya sa mga miyembro ng Laurence Olivier’s company kabilang ang National Theatre sa murang edad, sa panahon na siya ay kasama sa ilang maiimpluwensiyang pag-arte kabilang na ang Rosencrantz and Guildenstern Are Dead ni Tom Stoppard.

Kasama sa kanyang paglilingkod sa National Theatre ang Guys and Dolls, The Beggar’s Opera at Animal Farm. - Yahoo News/Celebrity