CONCEPCION, Tarlac - Isang dalaga na pinaniniwalaang napagtripan ng mga sex maniac ang natagpuang patay sa isang tubuhan sa Sitio Gugo, Barangay Sta. Rosa sa Concepcion, Tarlac, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Jose Dayrit, pinagsasaksak sa kanang dibdib at hinataw pa ng matigas na bagay sa ulo ang biktimang nakilala sa pangalang Jeralyn, 20 ng EM’s Barrio Tejeros Convention sa Rosario, Cavite.

Wala ring damit ang biktima na pinaniniwalaang hinalay ng mga suspek.

Nakarekober ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ng isang itim na shoulder bag na may police clearance, mga biodata, health certificate at iba pang mahahalagang dokumento.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon