blind-copy-copy

SABI na nga ba’t too good to be true ang kilalang aktor dahil halata namang put-on lang ang ipinapakita nitong kabaitan sa ibang tao at sa piling kaibigan.

Sa isang show ay sabay na nag-guest ang too good to be true actor (Aktor A) at aktor din na pawang box office hits ang pelikula (Aktor B).

Nang ipakilala si Aktor B ay hiniyawan ito at maraming pumalakpak at kumuha ng picture.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nagulat ang female host nang magkomento si Aktor A ng, “Bakit ‘pag ako ang lumabas, mas malakas ang sumisigaw sa akin at mas maraming gustong makamayan, bakit siya (Aktor B) wala masyado?”

Medyo nairita ang female host dahil hindi niya sukat akalain na may tagong yabang pala ang too good to be true actor pero mahinahon niya itong sinagot ng, “Kasi fresh pa sa kanila (audience) ang success ng pelikula mo (ipinalabas kailan lang).”

Ang akala ng female host ay hindi na hihirit ang too good to be true actor, “Hindi, mas marami talaga akong fans sa kanya.”

Naloka ang female host pero hindi lang nagpahalata. Kaya nang matapos ang show ay nagkukuwento siya sa mga kasamang staff ng network na hindi niya sukat akalain na may tagong kayabangan pala si Aktor A.

Iba naman ang nasa isip namin, Bossing DMB kapag ganito ang komento ng isang lalaki ay isa siyang, ‘geisha’ (read: gay s’ya), na in fairness ay hindi naman. Hmmm, hindi kaya late bloomer?

At ang nakakatawang parte, ang mga staff ng network na pinagkuwentuhan ng female host ay isa sa handler mismo ng too good to be true actor, ha-ha-ha! Lagot, baka hindi na bigyan ng project ang female host dahil balita namin ay malakas sa management ng network si Aktor A.