DAVAO CITY – Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y paglabag ng New People’s Army (NPA) sa umiiral na ceasefire sa dalawang grupo matapos tambangan at mapatay ng rebeldeng komunista ang tatlong sundalo sa Mabini, Compostela Valley kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng militar, dakong 9:45 ng umaga nang tambangan ng walong armadong rebelde ang tatlong sundalo na lulan ng isang motorsiklo sa Barangay Anitapan, Mabini.

Sinabi ng AFP na walang armas ang tatlong sundalo at nakasuot sibilyan nang maganap ang pag-atake.

Bagamat hindi pinangalanan, nakasaad sa ulat ng militar na ang dalawang sundalo ay tauhan ng 71st Infantry Battalion habang ang kanilang kasamahan ay miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU). (Alexander D. Lopez)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho