Kung nakararamdam ka na ng hindi maganda dahil sa sobra-sobra mong kinain, narito ang mga tip ng mga dalubhasa sa kalusugan:

Isang oras pagkatapos magpakabusog –

      Probinsya

      OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

    • Maglakad-lakad. – Maglaan ng 10 hanggang 20 minuto ng pamamasyal sa labas ng iyong bahay. Bukod sa napatunayan nang benefits nito sa iyong puso, ang paglalakad ay magaan na exercise upang matulungan ang iyong digestion at nililinis rin nito ang iyong lymphatic system (lupon ng mga organ na kumikilos para sa digestive system). Sa paglalakad, natutulungan ang pagkain na dumaloy sa bituka, at napabibilis ang pagtunaw at absorption ng nutrients.
    • Mag-tsaa. – Nakapagpapaginhawa ang paghigop ng mainit na herbal tea. Humigop ng tsaa tuwing pagkatapos kumain upang maiwasan ang pagkabundat ng tiyan.

Kung sobra ang pag-inom ng alak –

Ang atay ang pinakamasipag na organ ng ating katawan at marami itong katungkulan. Ang pinakamahalagang mga tungkulin nito ay ang pagproseso ng nutrients, ang produksiyon ng bile na tumutlong sa digestion ng pagkain at pag-aalis ng mga toxin sa dugo tulad ng droga, alcohol, at iba pang mapanganib na mga elemento. Ang atay ay may abilidad na mag-regenerate ng sarili nito, ngunit ang mga epekto ng alcohol ang magpapasira nito. Iminumungkahi ni Dr. Mao na maghinay-hinay sa pag-inom ng alak upang humaba ang buhay ng iyong atay at ng iyong kalusugan. Ito ang iyong isipin bago ka makipag-inuman.

  • Uminom ng tubig. – Marami sa atin ang hindi nakababatid sa mahikang hatid ng tubig. Ito ang secret remedy para labanan ang hangover. Nawawala ang tubig sa iyong sistema dahil sa alcohol; kaya mabisa ang tubig sa paglaban sa sintoma ng hangover. Uminom muna ng ilang basong tubig bago ka makipag-inuman.

Nawa ay makatulong ang espasyong ito sa iyong pag-recover mula sa epekto ng sobrang pagkain at pag-inom sa selebrasyon ng Batong taon.