Chris-Paul-and-Kyle-Lowry-457x500

LOS ANGELES (AP) – Kinailangan ni Kyle Lowry at ng short-handed na Toronto Raptors ng maraming tulong mula sa kanilang reserves upang talunin ang Los Angeles Clippers.

Umiskor si Lowry ng 25 puntos at nakuha ng Raptors ang 18 sa kanilang 30 fourth quarter pointe mula sa bench kahapon, patungo sa 110-98 na panalo na tumapos sa eight-game home winning streak ng Clippers.

‘’That’s the biggest thing about this team. We’ve got a great bench and we feed off of each other,’’ sabi ni backup guard Greivis Vasquez. ‘’It may not show in the stats, but a lot of different guys do a lot of different things. The second (unit) doesn’t get as much credit as the starters, but we don’t care.’’

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Gumawa si Jonas Valanciunas ng 22 puntos at 11 rebounds para sa defending Atlantic Division champion na Raptors, na pumasok sa laro na may one-game lead sa Atlanta para sa pinakamagandang rekord sa Eastern Conference. Galing ang Toronto mula sa four-day break kasunod ng kanilang 129-120 talo sa Chicago noong Lunes, na tumapos sa kanilang six-game winning streak.

Nakuha ni Blake Griffin ng Clippers ang kanyang ikatlong foul at pinalitan ni Hedo Turkoglu sa natitirang 10:50 ng laban. Sinagot ito ni Vasquez ng isang pares ng 3-pointers at isang 17-footer sa loob ng 1:18 upang iangat ang five-point lead ng Toronto sa 93-80, may 9:03 nalalabi.

‘’It felt like we ran out of gas before the game even started,’’ ani Clippers point guard Chris Paul.

Nagbalik si Griffin sa laro sa huling 7:19 at naghahabol ang Clippers sa 95-82, ngunit hanggang 12 lamang ang kanilang nakaya na makalapit.

Si Lowry ay 9-of-17, matapos mag-average ng 9.3 puntos at 27.5 porsiyento mula sa filed sa kanyang huling laro laban sa Clippers. Si DeMar DeRozan, ang second-leading scorer ng Raptors, ay hindi nakapaglaro sa kanyang ika-14 sunod na laban dahil sa isang torn muscle sa kaliwang groin. Na-sideline naman si Landry Fields sa ikatlong sunod na pagkakataon dahil sa concussion.

‘’We’re a full team. I mean, we need DeMar back, we want him back and we can’t wait for him to get back. But for now, we can’t make excuses because DeMar’s not playing,’’ anang Lowry. ‘’It’s all about the next man up. We’re a very deep team.’’

Nagtala si J.J. Redick ng 23 puntos at 22 ang kay Griffin ngunit hindi ito naging sapat at nalasap ng Clippers ang unang pagkatalo sa kanilang bakuran mula nang talunin sila ng Chicago noong Nobyembre 17. Nagdagdag si Jamal Crawford ng 20 mula sa bench, habang humakot naman ng 20 rebounds si DeAndre Jordan.

‘’Anytime you’re playing against a team coming off a four-day rest, the second half is going to be the toughest challenge,’’ saad ni Griffin. ‘’They came out in the second half and looked like they were fresh, and I didn’t think we responded well.’’

Ang Raptors, na mayrong 17.3 puntos na average mula turnovers, ay nakapag-convert ng 11 turnovers ng Clippers sa 17 puntos sa first half at naikasa ang 49-all na table sa intermission makaraang maghabol sa walo.

Gumawa ng 3-pointer si Lowry, isang driving layup at isang 19-footer sa loob ng 51 segundo upang tulungan ang Toronto na dagdagagan ang isang puntos na abante sa 76-68 sa natitirang 2:33 ng third quarter.

‘’We were just playing with energy, and energy dictated the game,’’ ani Vasquez.

Resulta ng ibang laro:

Memphis 103, Miami 95

Washington 101, Boton 88

Chicago 107, New Orleans 100

Indiana 110, Brooklyn 85

Atlanta 90, Milwaukee 85

Utah 88, Philadelphia 71

Sacramento 135, New York 129

Golden State 110, Minnesota 97