FIRECRACKERS_BOCAUE_20_BALMORES_281214-619x417

Dagsa na ang mga mamimili ng paputok sa tinaguriang firecracker capital of the Philippines, ang Bocaue, Bulacan, ayon sa Philippine Pyrotechnic Manufacturer and Dealers Association, Inc. (PPMDA)

Pinayuhan ni Lea Lapide, presidente ng PPMDA, ang mga retailer na huwag sumabay sa karaniwang pinakamaraming namimili ng paputok sa Bocaue, bukas (Disyembre 30), at sa Miyerkules (Disyembre 31).

Tiniyak din ni Lapide ang seguridad ng mga mamimili at ang kaligtasan ng kanilang mga produkto.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Aniya, aabot sa P2,000 hanggang P2,500 ang mga mamahaling paputok, habang nasa P3,000 hanggang P4,000 naman ang mga pailaw.

Nagpaalala rin si Lapide sa publiko na huwag tangkilikin ang mga ipinagbabawal na paputok at maging responsable sa pagsalubong sa Bagong Taon.