HONG KONG (Reuters)— Isang babae ang malubha sa Hong Kong sa nakamamatay na H7N9 strain ng bird flu, ang unang nakumpirmang kaso sa lungsod ngayong winter, sinabi ng gobyerno ng Hong Kong.

Ang babae, 68, ay ipinasok sa ospital noong Huwebes matapos maratay noong Disyembre 19, sinabi ng Hong Kong government sa isang pahayag na inilabas noong Sabado.

Ang kaso ay classified na “imported” matapos lumutang na kagagaling lamang ng babae sa Longgang district ng Shenzhen sa mainland China, kung saan iniulat ang unang kaso ng nakamamatay na H7N9 strain noong Marso 2013. Ang babae ay kumain ng manok habang na sa Shenzhen ngunit hindi na-expose sa live poultry, ayon sa gobyerbo.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon