Nais kong batiin ang lahat ng Pinoy ng Masaganang Bagong Taon, bagong pag-asa, ibayong pagsisikap at lalong maalab na paniniwala sa Diyos at sa Kanyang bugtong na Anak na si Kristo.

Makikipag-usap si Pope Francis sa mga lider ng iba’t ibang relihiyon, sekta at paniniwala sa kanyang makasaysayang pagdalaw sa Pilipinas sa Enero 15-19, 2015. Kabilang sa relihiyon bukod sa Kristiyanismo ay Islam, Hinduism, Buddhism, Baha’i, Iglesia ni Cristo, Iglesia Independiente (Aglipay), at Jehovah’s Witnesses.

Ayon sa Wikipedia, ang mga pangunahing relihiyon sa mundo at laki ay ang Kristiyanismo (2.1 bilyon), Islam (1.5 bilyon), Secular/Nonreligious/Agnostic/Atheist (1.1 bilyon), Hinduism (900 milyon), Chinese Tradition religion (394 milyon), Buddhism (376 milyon), Primal-Indigenous (300 milyon), African Traditional and Diasporic (100 milyon), Sikhism (23 milyon), Juche (19 milyon), Spiritisim (15 milyon), Judaism (14 milyon), Baha’i (7 milyon).

Sa Manila Bulletin, headline noong Disyembre 25, inalok ng chairman ng Moro Liberation Front na si Al-Haji Murad Ebrahim na pumunta sa Cotabato City si Lolo Kiko para makipag-usap sa MILF. Ewan lang kung posible ito dahil napakasikip ng schedule ni Pope Francis, at kung magagawan ng paraan ng CBCP na makatalamitam niya ang mga Muslim doon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kaya pala naghain ng irrevocable resignation si Health Secretary Enrique Ona ay bunsod diumano ng pagkawala ng tiwala sa kanya ni PNoy. Hindi ang dahilan ay ang pagsisiyasat sa kanya ng NBI hinggil sa pagbili ng mga bakuna na nagkakahalaga ng P833 milyon noong 2012. Bakit sina Budget Sec. Butch Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala na bilyun-bilyong piso ang diumano ang kinasangkutan sa anomalya eh di sila pinaiimbestigahan ni PNoy. Ganoon din si PNP Chief Alan Purisima.

Noong bisperas ng Pasko, nagulat ang mga Pinoy sa biglang pag-ulan na nagdulot ng baha sa ilang lugar ng bansa pati sa Metro Manila. Gayunman, tuloy ang selebrasyon ng Pasko na araw ng kapanganakan ni Kristo, ang Manunubos sa sala ng sangkatauhan!