TEHRAN, Iran (AP) — Isang senior commander ng makapangyarihang Revolutionary Guard ng Iran ang napatay sa pakikipaglaban sa Islamic State extremist group sa Iraq, sinabi ng Guard noong Linggo.
Si Brig. Gen. Hamid Taqavi ay “martyred while performing his advisory mission to confront ISIS terrorists in Samarra,” saad sa pahayag na ipinaskil sa website ng Guard.
Si Taqavi ay ang pinakamataas na opisyal na namatay sa labas ng Iran simula ng digmaan noong 1980-88 sa Iraq, kung saan siya ay lumaban at namatay ang kanyang ama at kapatid na lalaki.
Ayon sa Guard si Taqavi ay tumutulong sa puwersang Iraqi at Shiite volunteers sa pagdedepensa sa Samarra, isang lungsod sa hilaga ng Baghdad na kinatatayuan ng isang pangunahing Shiite shrine. Hindi ito nagbigay ng detalye kung paano at kailan namatay ang opisyal ngunit isang funeral procession ang gaganapin sa Tehran ngayong araw.