Iniuwi nina International Master Ronald Bancod, Women’s International Master Janelle Mae Frayna at Stephen Rome Pangilinan ang mga nakatayang titulo sa Open, Women’s at Kiddies category ng ginaganap na 2014 National Rapid & Blitz Chess Championships sa PSC Athletes Dining Hall sa Vito Cruz, Manila.

Nagtipon ng kabuuang 7.5 points si Bancod sa 9-round swiss system na torneo upang makopo ang korona bago matapos ang 2014 kasama ang premyong P10,000 cash, tropeo at isang chess clock.

Magkakasalo naman sa itinalang 7 puntos sina Narquinden Reyes, Joel Pimentel at Jerad Docena upang okupahan ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na puwestong pagkakasunod.

Ikalima si IM Jan Emmanuel Garcia habang ikaanim si IM Haridas Pascua. Ikapito si GM Darwin Laylo habang ikawalo hanggang ikasampu sina IM Oliver Dimakiling, GM Rogelio Antonio Jr. at Raymond Salcedo.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Nagtipon naman si Frayna ng kabuuang limang puntos upang tanghaling kampeon sa women’s division. Iuuwi nito ang premyong P3,000, tropeo at chess clock. Ikalawa si WIM Jan Jodilyn Fronda na may 5 puntos habang ikatlo si WIM Bernadette Galas. Ikaapat si WFM Shania Mae Mendoza at Enrica Villa.

Itinala rin ni Pangilinan ang kabuuang natipon na 7.5 puntos para magwagi sa Kiddies para sa premyong P3,000 cast, tropeo at chess clock. Ikalawa si Jester Sistoza na may 7.5 puntos din habang ikatlo si Melito Ocsan na may 6.5 puntos. Ikaapat si John Philip Oncita at ikalima si King Alexander Reyes.