Kapwa nag-uwi sina Aisa Marie Salazar at Tonete Medina ng dalawang karangalan sa panghuling aktibidad sa taon sa ginanap na 1st Philippine Sports Commission (PSC)-POC Laro’t Saya sa Kawit (LSK) “Play ‘N Learn” (PNL) na Zumba Marathon Sabado ng gabi sa Freedom Park ng Brgy. Kaingen sa Kawit City, Cavite.

Umangat ang husay sa pagsayaw ni Salazar, 32, at isang ginang sa Brgy. Sta. Isabel upang tanghaling kampeon sa Female 18-40 years old category sa tinipong 73 puntos para sa P2,000 premyo at siya ring nag-uwi ng Best in Costume na may premyo rin na P500 cash sa zumbathon na nilahukan ng 160 katao.

Naiuwi naman ng dating dance instructor na si Medina, 49, mula Brgy. Tabon 1 ang korona sa male 41-55 age group sa 116 puntos at Wackiest Dancer award para mabiyayaan din ng kabuuang P2,500 na iginawad nina Kawit Vice Mayor Paul Abaya, Jr., PSC-POC Laro’t Sa Parke (LSP) PNL officials Dr. Lauro Domingo, Jr. (project manager), Merlita Ibay (marketing & promotions director) at Alona Quintos (area coordinator).

Nakihati sa karangalan ang first placer din na sina Jentelle Juanengo, 22, ng Brgy. Panamitan sa Male 18-40 age division  sa 65 pts.; at Beth Esparagoza, 50, ng Brgy. Batong Dalig sa female 41-55 age level na may 66 na puntos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Top 3 ay binubuo ng pumangalawa na si Kyle Diane Hermosa, 18, na may 54 puntos at April Fulgencio, 32, na naka-44 sa ikatlo. Ikalawa naman kay Juanengo sina Ruseel Pascual na may 52 at Bryan Perez na naka-50-puntos.

Sumunod kay Esparagoza sina Zenaida Naval (61 pts.) at Liza Miranda (59) habang pumangalawa kay Medina si William Zamora.

Tinanghal naman na Best in Costume Male sa 18-40 category si RJun Lucion habang Wackiest Female dancer si Recy Kalugdan.

Tumulong din sa pag-oorganisa kina Domingo, Ibay at Quintos sa PSC technical working group sa 2-in-1, 1-day event sina Christine Abellana, Chona Quinto, Bernice Adante at Lymuel Sequilla pati na sports clinic instructors na sina Oliver Olaes sa zumba, Ronald Napalan sa badminton, Noel Graida sa volleyball, at Dhonalyn Aure at Medel Manlincen sa taekwondo.