Hindi maitago ni Philippine Volleyball Federation (PVF) president Geoffrey Karl Chan ang kanyang pagkadismaya sa nagaganap na kontrobersiya sa pinamumunuan nitong isport na volleyball na pinag-aagawan ngayon ng grupo ng mga dating opisyales at pasukin ng pulitika mula sa Philippine Olympic Committee (POC).

Inihayag ni Chan ang kanyang pananaw sa isang emosyonal at malalim na kritisismo na ipinadala nito sa isang email sa dating pangulo ng asosasyon na si Roger Banzuela bago dumating ang Kapaskuhan na naglalaman ng mabigat na pasanin sa pinag-aagawan na organisasyon ng volleyball.

“Hindi ko maiwasan na maawa kasi parang anak-anakan ko na siya,” sabi ni Banzuela. “Gusto ko rin sisihin ang sarili ko kasi ako ang nagpasok sa kanya sa volleyball. Ibinigay talaga niya ang buhay niya sa volleyball kahit na galit na galit sa kanya ang magulang niya dahil ipinagpalit niya ang napakalaking family business nila,” sabi ni Banzuela.

Si Chan, na siya ring humahawak sa aktibidad ng volleyball sa Eastern Visayas, ay matatandaang isa sa nabiktima ng bagyong Yolanda kung saan hindi lamang naapektuhan ang ilang negosyo ng kanyang pamilya kundi maging ang kanilang tahanan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi ni Banzuela na lubhang naapektuhan si Chan sa kasalukuyang nagaganap sa komunidad ng volleyball na tanging sa kanya lamang naibubulalas ng presidente ng asosasyon ang kanyang mga hinaing hinggil sa kalakaran sa isports sa bansa.

“We hope na iyong mga totoong nagmamahal sa volleyball ay dumalo sa eleksiyon sa Enero 9 at doon nila ipakita ang kanilang interes na maiangat pa ang pinakamamahal nating isports,” sabi pa ni Banzuela.

Isang text message lamang naman ang iniwan ni Chan hinggil sa nalalapit na mahalagang eleksiyon sa volleyball.

“The world can offer a lot, but even having them all may not ensure or contentment. What we value defines Our happiness. What we keep, spells our purpose. What we do, becomes Our commitment. But in the end, Our real treasures are the Love in our hearts, Our family and the True people around us!,” ani Chan.