Idaraos sa Hunyo ng susunod na taon ang plebisito para sa Bangsamoro dahil target ng 75 miyembro ng ad hoc panel sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pinal na pagpapasa ng mababang kapulungan sa panukalang pangkapayapaan sa Pebrero.

Kumpiyansa si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, namumuno sa ad hoc panel, na maipapasa ng Kongreso ang BBL sa Pebrero upang maisagawa na ang plebisito pagsapit ng Hunyo.

“Halos tapos na kami sa consultations at sa Enero ay magkakaroon na ng executive session meeting sa 75 members ng ad hoc panel upang isapinal na ang panukala. Kumpiyansa kaming sa first quarter, sa Marso, maaayos na ang lahat at pagkatapos ng tatlong buwan, sa Hunyo, ay maisasagawa na ang plebisito,” sinabi ni Rodriguez sa isang panayam sa telepono.

Paliwanag ng mambabatas na matapos aprubahan ng Kongreso ang BBL ay bibigyan ang Commission on Elections (Comelec) ng 90 araw para sa maghanda sa gagawing plebisito.

National

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT

“Aaprubahan ang committee report sa Pebrero 11. Boboto ang panel members ng ‘yes’ o ‘no’ kung payag sila o hindi sa final draft ng panukala,” sabi ni Rodriguez.