NADAGDAGAN na ang nag-iisang tropeo (2012 box office king para sa pelikulang No Other Woman) na naka-display sa bahay ni Derek Ramsay dahil nanalo siya bilang Best Actor sa 40th Metro Manila Film Festival awards night para sa pelikulang English Only Please mula sa Quantum Films na idinirek ni Dan Villegas.

Derek-Ramsay-copy“Yes it is,” say ng aktor, at sobrang saya nga raw niya.

Hindi kasi inaasahan ng aktor na mananalo siya ng award kaya gulat na gulat siya sa pagkakapanalo niya, katulad din ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado na sampung taon muna ang binilang sa showbiz bago napagkalooban ng Best Actress award.

Sa totoo lang marami ring nagulat na sina Derek at Jennylyn ang nanalo dahil unang-una ay romantic comedy ang pelikula nila at hindi mo naman iisiping pang-award ang acting nila ito lalo’t nakipagsabayan sa mga premyadong artista tulad nina Dingdong Dantes (dalawang beses nang nanalo ng best actor sa MMFF para sa Segunda Mano at One More Try), Robin Padilla (10,000 Hours), Vic Sotto, Coco Martin (mula sa iba’t ibang award-giving bodies bukod pa sa international awards) at Vice Ganda.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Oo nga naman, halos lahat ng pelikula ni Derek ay nagbilad siya ng katawan at drama-dramahan ang tema at nag-action din sa pelikulang The Janitor.  Sino nga naman ang mag-aakalang sa romantic comedy film siya magkaka-award?

Kuwento nga ng mga nakapanood na ng English Only, Please, “Bagay pala kay Derek ang rom-com, puwede naman pala siya sa ganu’ng role bakit parati na lang siyang nagpapa-sexy sa pelikula, kasi iyon lagi ang offer?”

At experimental ang English Only, Please na kung hindi kami nagkakamali ay pangatlong pelikula pa lang ni Direk Dan Villegas, nauna na ang 24/7 In Love (2012) at Quick Change (2013). Ito ang unang mainstream movie niya. Karamihan sa ginawa niyang pelikula ay siya ang director of photography tulad ng Forever In A Day (2011), Unofficially Yours (2012), Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo (2013), She’s The One (2013), Bride for Rent (2014), She’s Dating The Gangster (2014), Relaks, It’s Just Pag-ibig (2014).

Hindi nakadalo si Derek sa MMFF awards night dahil kasama niya ang pamilya at mga kaibigang Australyano at Egyptian sa Tali Beach sa Nasugbu, Batangas.

Dapat sana ay sa beach house nila sa Palawan sila magsi-celebrate ng Pasko at Bagong Taon, pero nasalanta ito ng bagyong ‘Ruby’ at hindi naipaayos agad.

Samantala, tsika naman sa amin ng taga-ABS-CBN ay mag-uumpisa nang mag-shooting ng pelikulang Crocodile Hunter si Derek sa Enero 2015 na pamamahalaan ni Direk Toto Natividad for Cinebro, film arm ng Star Cinema.

‘Katuwa naman kung balik-ABS-CBN na ang aktor, so hindi na siya magre-renew sa TV5?  E, paano na ang sitcom nila ni Empoy na may titulong Mac and Cheese para sa 2015?  Hindi na ba ito matutuloy?