JAKARTA, Indonesia (AP) – Sa ikatlong insidente sa himpapawid na iniugnay sa Malaysia ngayong taon, isang eroplano ng AirAsia na may lulan na 162 katao ang nawala simula kahapon habang lumilipad sa ibabaw ng Java Sea matapos mag-take off mula sa isang provincial city sa Indonesia patungong Singapore.

Agad na naglunsad ng search at rescue operation ang dalawang bansa para matagpuan ang Flight QZ8501, pero walang anumang senyales ng eroplano mahigit pitong oras makaraang mawalan ito ng contact sa ground control.

Sa isang pahayag, sinabi ng AirAsia, isang regional low-cost carrier na itinatag noong 2001 ng negosyanteng Malaysian na si Tony Fernandes, na ang nawawalang ay bumiyahe sa isinumiteng flight plan route. Gayunman, hiniling nito na magbago ng ruta dahil sa masamang panahon bago tuluyan nang nawala ang komunikasyon ng eroplano sa Indonesian Air Traffic Control.

Ang AirAsia, na bumibiyahe sa malaking bahagi ng Southeast Asia at kamakailan ay nagsimula na ring magserbisyo sa India, ay hindi pa nawalan ng eroplano at may mahusay na safety track record.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We don’t dare to presume what has happened except that it has lost contact,” sinabi kahapon ni Djoko Murjatmodjo, acting director general of transportation ng Indonesia. Sinabi niyang ang huling komunikasyon ng piloto sa air traffic control ay dakong 6.13 ng umaga nang ang piloto “asked to avoid clouds by turning left and going higher to 34,000 feet.”

Wala ring distress signal mula sa cockpit.

Nawalan ng komunikasyon sa eroplano 42 minuto makaraan itong umalis sa Surabaya airport, ayon kay Hadi Mustofa, ng transportation ministry.

Ang eroplano ay may dalawang piloto, limang cabin crew at 155 pasahero, kabilang ang 16 na bata at isang sanggol, ayon sa AirAsia Indonesia

Walang Pilipinong lulan sa eroplano, ayon sa pahayag ng AirAsia.