Inihayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na tiyak na tatatak sa kasaysayan ang taong 2015 dahil sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 15-19.

Ayon kay Villegas, isang napakalaking biyaya para sa sambayanang Pilipino ang darating na taon.

Sa kanyang New Year’s message, sinabi ng CBCP President na ang 2015 ay maaaring isang regular na taon sa kalendaryo, pero maaari itong gawing “extraordinary”.

“If we put much love into each day of this year; if we put much hope into every difficulty we encounter this year, if we share fearlessly with everyone our joyful faith in our loving God, this year may be ordinary but it will be specially memorable one because of the love and faith and hope that we pour into the days of 2015,” ani Villegas.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon