Kabuuang 13 taolu at sanda artist ang magiging pambato ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) sa nalalapit na paglahok sa 2015 Southeast Asian Games (SEAG) sa Singapore.

Kabuang 11 taolu at 2 sanda sa wushu ang hahataw sa koponan kung saan ay inaasahang mamumuno si dating World Junior gold medalist John Keithley Chan at magingh si Myanmar SEA Games gold medalist Daniel Parantac para sa kategorya ng taolu.

Kabilang din sa listahan sina Thornton Quieney Lou Sayan, Norlence Ardee Catolico, Spencer Palitog Bahod at Dave Degala sa kalalakihan habang sina Kariza Kris Chan, Agatha Chrystenzen Wong, Nastasha Manalansan Enriquez, Lesly Romero at Vanessa Jo Chan sa kababaihan.

Isasagupa naman sa sanda ang Busan Asian Games silver medalist na si Jean Claude Saclag at Francisco Solis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, inalis ng host Singapore ang karamihan sa mga event sa sanda at dalawang timbang na lamang ang paglalabanan.

Nakatakdang sanayin ang wushu players sa China sa Enero bilang paghahanda nila sa 28th SEA Games na gaganapin sa Hunyo 5 hanggang 16.

Matatandaan na nagwagi ang taolu artists noong 2013 SEA Games ng 3 ginto, 3 pilak at 2 tanso at maliban kay Parantac ay namayani rin ang sanda artists na sina Jessie Aligaga at Dembert Arcita sa men’s 48kg at 52kg, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag din ng 2 pilak ang sanda artists na sina Divine Wally (48kg) at Evita Zamora (52kg).