Ni JOSEPH JUBELAG
GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng mga pulis ang isang school principal sa Malabang, Lanao del Sur dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos na maaktuhan sa isang drug bust dito noong Biyernes.
Dinakip si Johanny Balindong ng mga tauhan ng Police Regional Special Investigation and Detection Team, sa pangunguna ni Supt. Maximo Sebastian, habang nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer sa bakuran ng Princefield Inn sa Barangay Apopong sa lungsod na ito.
Sinabi ni Sebastian na si Balindong, na kabilang sa mga kilabot na drug trafficker na kumikilos sa rehiyon, ay tinutugaygayan ng awtoridad sa nakalipas na mga buwan hanggang Manalosa maaresto nitong Biyernes.
Nakuha mula sa suspek ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000.
Nang kapkapan, ipinakilala ng suspek ang sarili bilang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nagpakita pa ng identification card ng ahensiya.
Sinampahan na ng kaso si Balindong.