Ang liturgical Feast of the Holy Family o Sagrada Familia – sina Jesus, Maria, at Jose – ay sa unang Linggo pagkatapos ng Pasko na tumapat ngayong Disyembre 28. Ang kapistahan ay idinaraos hindi lamang sa buhay ng Sagrada Familia sa Nazareth kundi ng lahat ng pamilya, kabilang pamilyang Pilipino.

Ang kapistahan ay unang isinama sa liturgical calendar ni Pope Leo XIII noong 1893 at idinaraos sa pangatlong Linggo pagkatapos ng Epifania sa Enero 6. Nang baguhin ni Pope Pius X ang Missal, naalis ang kapistahan. Noong Oktubre 26, 1921, inilagay ito sa Latin Rite calendar ng Congregation of Rites sa ilalijm ni Pope Benedict XV, idinaraos ito sa Linggo pagkatapos ng Epifania. Itinaguyod ng mga Papa sa loog ng maraming taon ang kapistahan bilang hakbang upang mapreserba ang pagkakaisa ng pamilya, at ang kahalagahan nito bilang mahalagang unit sa istruktura ng Simbahan. Noong 1969, inilipat ito sa Linggo pagkatapos ng Pasko, na saklaw ng panahon ng Pasko, upang tanawin ng mga mananampalataya ang Sagrada Familia bilang huwaran at inspirasyon, para sa pag-aaruga kay Jesus, para sa pagsisikap sa trabaho, sa pagtulong, pag-unawa at pagtanggap sa isa’t isa.

Ang Sagrada Familia ay isang huwaran para sa lahat ng pamilyang Kristiyano. Bawat pamilya ay tinatawagan sa kabanalan, bawat miyembro ay kailangang gawin ang tahanan bilang “simbahang pampamilya” na si Kristo ang nasa sentro ng pamilya at ng indibiduwal na pamumuhay. Maaaring gawin ng pamilya ang mga bagay nang sama-sama – ang araw-araw na pananalangin, ang pagbabasa ng Kasulatan, pagsasalusalo sa pagkain, pagsisimba tuwing Linggo, ang pagkakawanggawa, ang pagtuturo sa mga anak ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, at pagrespeto sa mga pananaw at ideya ng bawat isa.

Tulad ng Sagrada Familia, ang ama ang pinuno at tagapaghanap-buhay ng tradisyunal na pamilyang Pilipino, habang ang ina naman ang namamahala sa tahanan at sa pagaaruga ng mga anak, pagtuturo sa mga ito ng kagandahang asal. Siya ang unang guro ng mga anak. Ang ugnayang nagbibigkis sa mga pamilyang Pilipino ay nakaangkla sa pag-ibig, pangangalaga, at proteksiyon ng bawat isa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pamilya unang natututuhan ng mga batang Pilipinok ang mabuting pag-uugali. Ang mga ate at kuya pati na rin ang iba pang nakatatandang miyembro ng pamilya ay iginagalang. Tinuturuan ang mga anak na magsabi ng “po” at “opo” at nagmamano sa nakatatanda bilang pagrespeto. Tumutulong ang mga bata sa mga gawaing bahay. Ang pamilyang Pilipino ay nagdarasal, kumakain, nagbibiruan, umaawit, tumatawa nang sama-sama, at laging handang tumulong sa isa’t isa sa sandali ng pangangailangan. Ang extended family – kasama ang mga tiyo, tiya, mga pinsan – ay matibay sa mga Pilipino. Ang mga espesyal na okasyon tulad ng mga kaarawan, Pasko, Bagong Taon, mga reunion, at mga piyensta ay mga araw ng pamilya. Ang mga lolo at lola ay inaalagaan ng kanilang mga anak at mga apo – ang kung minsan, pati na ang extended family – sa kanilang katandaan.