Napalitan ng matinding galit ang sigla sa pagdiriwang ng Pasko ng ating mga kakabayan lalo na ang mga commuter nang ihayag ng Department of Transportation and Communication (DoTC) na mula Enero 4, ng 2015 ay ipatutupad na ang dagdag-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transitt (LRT). Isang mabigat na desisyon ngunit dapat ipatupad, ayon kay DoTC Secretary Emilio Abaya sapagkat ang nasabing planol ay atrasado na ang implemnatasyon .Ang dagdag-pasahe ay magpapakita umano ng pagbuti ng serbisyo ng mass transport.

At ang malilikom na halaga sa dagdag-pasahe ay gagamitin para pagandahin ang mga pasilidad at gamit Batay sa plano ng dagdag-pasahe,,ang P15 pasahe ay may dagdag ng P11 at dagdag na P1 sa bawat kilometro. Magiging P26 na pasahe sa MRT at LRT. Dasal tuloy ngayon ng mga commuter sa Rizal: “Mahal na Birhen ng Antipolo, mantnding pahirap po sa aming sumasahod lamang ng minimum ang dagdag-pasahe. Paano pa namin bubuhayin ang aming pamilya? Sana’y magbago pa isip ni Secretary Abaya bago sumapit ang Bagong Taon”.

Halos sagad din sa langit ang pagtutol ng mga commuter at mamamayan sa dagdag-pasahe ng MRT at LRT. May iba’t ibang silang reaksyon: Taksil sa bayan ang DoTC sapagkat ang dagdag-pasahe ay ginawa at itinaon pa sa panahon ng Pasko na ang lahat ng tanggapan ng gobyerno ay nasa bakasyon lalo na ang Korte Suprema Kahit kumilos agad ang Train Riders Network (TREN) at inihanda ang petisyon para kuwestiyunin sa Supreme Court ang nasabing fare hike ay walang magagawa.

Anong uri ng hangin kaya ang pumasok sa ulo ng mga taga-DoTC at ng mga namamahala sa MRT at LRT? Tuluyan na kayang nawala ang kanilang pagka-makabayan at ang ang salaping malilikom sa dagdag-pasahe ang pumasok sa kanilang utak? Bakit ang hindi pagbutihin ay ang kanilang serbisyo ng MRt at LRT at nang hindi parusa at penitensiya sa mg commuter ang kanilang kapalpakan?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Marami ang nagdarasal na sana’y pakinggan ng Korte Suprema ang hihilinging Temporary Restraining Order ng mga grupong makabayan at dalawang longresista upang mahadlangan ang nakaambang dagdag--pasahe ng MRT at LRT, kasama rin sa dasal na magbago sana ang hihip ng hangin sa DoTC.