LA TRINIDAD, Benguet – Dahil sa kakaunting demand sa highland vegetables at sa labis na supply ay umabot sa tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng mga inaning repolyo ang nabulok lang habang naghihintay na mabili ito sa trading post ng bayang ito.

Sa halip na pera ang iuwi ng magsasakang si Manny sa kanyang pamilya sa Buguias, ay nabulok lang ang inani niyang apat na tonelada ng repolyo dahil hindi ito nabili nitong Pasko.

Nabatid na 600 kilo lang ang kanyang naibenta at nasa P2 kada kilo na lang ito dahil second-class na. Aniya, ipinamigay na lang niya ang iba pa kaysa tuluyang mabulok, kaya naman umabot sa P50,000 ang kanyang lugi.

Base sa monitoring ng Benguet Farmers Marketing Cooperative (BFMC), sinabi ni Agot Balanoy, manager ng kooperatiba, na sa isang milyong kilo ng gulay na ibinagsak sa trading post ay tiyak na kalahati lang ang maibebenta.

Probinsya

7-anyos na bata, patay matapos magulungan ng pick-up truck

Nagsabay-sabay, aniya, ang pag-aani ng mga magsasaka sa pag-asang mataas ang demand sa gulay nitong Pasko, pero kakaunti lang ang nangailangan nito sa merkado.

Aniya, hindi sana problema ang over production kung mabilis ang hakot ng mga buyer papuntang lowland areas. (Rizaldy Comanda)