Inireklamo ng mga pasahero sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magkabilang hilera ng mga ambulant vendor sa isa sa mga ipinagawang footbridge ng ahensiya sa Parañaque City.

Hindi na halos makadaan ang mga pasahero mula sa Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa Coastal Mall sa Parañaque City dahil ang kaliwa’t kanang bahagi ng footbridge, maging sa may hagdan, ay sinakop na ng mga nakalatag na paninda.

Ipinagtataka ng mga pasahero kung bakit hinayaan ng MMDA na magkaroon ng mga vendor sa naturang footbridge gayong ginawa ang naturang tulay para daanan ng tao mula sa ipinatayong bus terminal ng ahensiya.

Malaking katanungan ng commuter kung bakit pinahintulutan umano ni MMDA Chairman Francis Tolentino na makapagtinda ang mga vendor sa mismong pinagandang footbridge kahit pa alam namang makaaabala ang mga ito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pakiusap ng publiko kay Tolentino na magpatupad ng kaayusan at kalinisan sa lugar at kung maaari ay pabantayan sa mga tauhan ng ahensiya ang imprastruktura upang maiwasan din ang mga insidente ng snatching o holdap sa lugar.