Ni ELLSON A. QUISMORIO

Dapat ding maparusahan ang mga negosyante sa pribadong sektor na sangkot sa katiwalian, ayon sa mga kinatawan ng Citizens’ Battle Against Crime and Corruption (CIBAC) party-list.

Inihain nina Congressman Sherwin Tugna at Cinchona Cruz-Gonzales ang House Bill 5298 upang gawing krimen ang pagkakasangkot sa katiwalian sa pribadong sektor sa pamamagitan ng pag-amyenda sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sinabi ni Tugna na hindi maitatanggi na mayroong mga public official na nanunuhol o tumatanggap ng suhol mula sa mga sangay ng gobyerno, at nangyayari rin ito sa pribadong sektor.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“They believe that public officials are the only ones who abuse their power and position to gain advantage. But the evils of graft and corruption have always plagued both the public and private sectors of our society in the Philippines,” giit ni Tugna.

Aniya, napapanahon nang amyendahan ang RA 3019 upang matukoy at pagmultahin ang mga negosyanteng sangkot sa korupsiyon.

“In doing this, a clear message is being sent out that graft and corruption is prohibited in any sector of society. All Filipinos are part of the fight against graft and corruption,” pahayag ni Tugna.

Samantala, sinabi ni Gonzales, chairperson ng Committee on Bases Conversion, na mismong si United Nations Secretary General Kofi Anan ang nagpahayag ng pangamba sa negatibong epekto ng lumalalang katiwalian at korupsiyon sa lipunan sa kanyang talumpati sa UN Convention Against Corruption (UNCAC).

Ayon kay Anan, pinahihina nito ang demokrasya at integridad ng iba’t ibang institusyon na nagbubunsod sa mga paglabag sa karapatang pantao, palpak na serbisyo publiko, magulong kalakalan, kawalan ng hustisya at paglala ng kriminalidad