Tinanggal na sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore, mas lalo pang nawalan ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) nang maiulat na tuluyan nang magiging propesyonal ang isa sa pinakamahusay nilang produkto na si Super Grandmaster Wesley So.

Isa sa tatlong national sports association (NSA’s) na napabilang sa priority sports, kasama ang judo at karatedo na pumalit sa inalis na swimming, weightlifting at bowling, umaasa ang Philippine Sports Commisison (PSC) na aangat muli ang sports na chess mula sa mas malaking pondong ibibigay ng ahensiya.

Gayunman, tila nasadlak sa kawalan ang NCFP matapos na iulat sa ilang chess website na tuluyan nang nagdesisyon ang World Universiade gold medalist na si So upang maging propesyonal.

Matatandaan na nakabinbin pa rin ang kahilingan ni So sa NCFP matapos nitong hangarin na makalipat sa US Chess Federation. Hanggang ngayon ay hindi tinutugunan ng NCFP kung tuluyang itong bibitawan o hahayaan na lamang mag-expire ang nakatakdang kautusan sa kinaaanibang asosasyon na FIDE.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Si So ay nasa ikasampung puwesto ngayon sa FIDE ranking na bitbit ang ELO rating na 2762.

Bukod sa chess ay nasa listahan din ang athletics, archery, boxing, billiards, taekwondo, wushu, wrestling, judo at karatedo sa priority list.

Magkakaroon naman ng torneo sa Rapid at Standard na inaasahang gagawin sa susunod na Linggo sa PSC Athlete’s dining hall bilang huling local event sa 2014.