BACOOR, Cavite – Patay ang isang babae noong Biyernes habang sugatan naman ang tatlong taong gulang nitong anak na lalaki matapos pagsasaksakin ang ginang ng kanyang umano’y dating kinakasama at ama ng paslit dahil sa matinding selos sa Queens Row Circle sa siyudad na ito, iniulat ng puilisya kahapon.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Mylene De Claro-Justiniani, 31, at hindi na umabot nang buhay sa Southeast Asian Medical Center san Barangay Molino II sa Bacoor.

Nasugatan pero stable na ang kondisyon ng anak ni Justiniani.

Nakatakas naman ang suspek na si Alvin Arcete Dondoyano, isang driver.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ni PO3 Michael Villanueva Legaspi Jr. na hinarang ni Dondoyano ang dadaanan ng motorsiklong minamaneho ni Justiniani, angkas ang anak. Sinabi ni Dondoyano na siya ang ama ng bata.

Ayon kay Legaspi, batay sa salaysay ng saksi, na nadaplisan ang bata ng patalim na hawak ng ama habang nakikipag-away ang huli kay Justiniani.

Batay sa report, selos ang dahilan ng galit ng suspek. Naghiwalay ang dalawa at tinangay ni Justiniani ang bata.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek. (Anthony Giron)