Patay na nang marekober ng mga rescue team ang apat na treasure hunter na nakuryente at nahulog sa kanilang hinuhukay na tunnel sa Bgy. Maslog, Danao City, Davao kahapon.

Kinilala ng Danao City Police Office (DCPO) ang bangkay ng mga biktima na sina Ernesto Ogabao, 49; Jesschristian Miguel, 21; Diomel Mayol, 19, at Amick Bunconsejo.

Sinabi ni PO2 Ronald Gomez ng DCPO, sinisemento ni Amick ang entrance ng hukay nang aksidenteng madikit sa grounded na water pump ang katawan upang maging dahilan ng pagkahulog nito sa hukay.

Nakahingi pa ng tulong si Amick kaya agad namang sumaklolo ang tatlong kasama nito, ngunit nakuryente rin ang mga ito at nahulog din sa hukay. Nagkakagulo ang mga kamaganak at mga residente sa lugar kaya humingi na sila ng tulong sa mga awtoridad.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Sa tagal ng rescue team, hindi na inabutang buhay ang apat na biktima.

Sinabi pa ng pulisya na naging pahirapan sa kanila ang pagkuha sa mga bangkay dahil nangangamoy gas sa ilalim ng pinagbagsakan ng mga biktima.