STO. TOMAS, Batangas – Nasugatan ang mga daliri ng isang walong taong gulang na lalaki matapos umanong maputukan sa kamay ng paputok na piccolo sa Sto. Tomas, Batangas.
Nilapatan ng lunas sa Sto. Tomas General Hospital si Fernando Patulot Jr., taga Barangay San Roque sa Sto. Tomas.
Ayon sa report mula kay Supt. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya, bandang 9:45 ngh umaga nitong Disyembre 26 ay naglalaro sa labas ng bahay ang bata nang pumutok ang hawak nitong piccolo.