LIPA CITY, Batangas - Kapwa dead on arrival sa pagamutan ang dalawang negosyante na pinagbabaril sa Lipa City, Batangas noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Eduardo Abla, 63; at Rosendo Bathan, 56, kapwa residente ng Barangay Calingatan, Mataas na Kahoy.

Ayon sa report ni PO3 Oliver Morcilla, dakong 2:30 ng umaga at sakay ng pampasaherong jeep (DWX-464) ang mga biktima nang pagbabarilin sa Barangay Banay-Banay sa lungsod.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Isinugod sila sa Mary Mediatrix Hospital subalit parehong hindi na umabot nang buhay.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.