LOS ANGELES (Reuters) – Nakamit ni Taylor Swift ang unang puwesto sa U.S. Billboard 200 chart noong Miyerkules para sa kanyang album na 1989, tinalo ang The Pinkprint ni Nicki Minaj.
Nananatiling nasa unang puwesto ang 1989 sa loob ng walong linggo. Ito ay bumenta ng 331,000 kopya, 433,00 awitin, na may kabuuang 375,000 base sa Nielsen SoundScan.
Isa si Swift, 25, sa mga mang-aawit na nangunguna sa ilang streaming site katulad ng Spotify.
Bumenta naman ang kanyang Shake It Off at1989 ng 3.4 milyong kopya, at ito ang pangalawa sa pinakamabiling album ngayong taon. Pangalawa naman ang The Pinkprint ni Minaj sa naibentang 244,000 kopya at ang Black Messiah nina D’Angelo at Vanguardang panglima na may kabuuang 117,000 kopya.