MOSCOW (AP) – Sa Moscow idaraos sa susunod na buwan ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno ng Syria at ng oposisyon, ayon sa Foreign Ministry ng Russia.

Isasagawa ang negosasyon sa Enero 20, ayon kay Alexander Lukashevich, tagapagsalita ng kagawaran.

Para sa unang bahagi ng usapang pangkapayapaan ay magsasama-sama ang mga kinatawan ng dayuhan at homebased na oposisyon, at sa susunod na pulong ay makakasama na nila ang mga kinatawan ng gobyernong Syrian.

Una nang nag-alok ang Russia, na simula pa man ay matibay na sumusuporta kay Syrian President Bashar Assad sa buong panahon ng digmaan, na isagawa sa bansa ang negosasyon nang walang preconditions. Makatutulong ito upang mapaganda ang imahe ng Moscow, sa gitna ng tensiyon nito sa West dahil sa Ukraine.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte